Latest News

TATLONG MANGINGISDA PINAULANAN NG BALA

Pinasisiyasat ngayon ng PNP-Regional Police Office 5 ang kakikilanlan ng mga armadong kalalakihan na namaril sa tatlong mangingisda sa Tinambac, Camarines Sur.

Kasalukuyang ginagamot ngayon ang mga biktima na kinilalang sina sina Francis Gamura; Eduardo Dulay; at Jessie Marinay; residente ng Calabanga, ng nasabing lalawigan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP na habang tinutunton ng mga biktima ang kinaroroonan ng iniladlad nilang lambat habang sakay ng fishing boat na MB Marylyn 1 ay biglang dumating ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek sakay naman ng maliit na Bangka at saka pinagbabaril. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read