Latest News

TATLONG LALAKING PIRATA, KINASUHAN NG NBI

By: JANTZEN ALVIN

Tatlong kalalakihang konektado sa isang shipping company na diumano ay nagsasakay at nang-aagaw sa isang M/Tug “ASL Prosper” nang walang awtorisasyon mula sa may-ari nito, sa Sual, Pangasinan, ang sinampahan ng kasong piracy ng National Bureau of Investigation.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang tatlong suspek ay kinilalang sina alyas “Daniel”, ” Eldrine”, at “Rene,” na pawang ipinagharap ng reklamong o paglabag sa Article 122 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 7659.

Ang tatlo ay naaktuhan ng mga operatiba ng NBI-National Capital Region na sakay ng nawawalang barkong pag-aari ng Hongkong River Engineering Co., Ltd.

Ayon kay Santiago, nagpasaklolo ang nasabing kumpanya sa NBI para mabawi ang barko .


Noong Nobyembre 2024, ang PENCON8 Salvage Corporation, isang lokal na kumpanya ng salvage, ay nagpalathala ng isang artikulo sa pahayagan, na malisyosong sinasabing ang M/Tug “ASL PROSPER” ay inabandona at isang panganib sa pag-navigate.

Nagpadala naman ng liham ang Hongkong River Engineering Co., Ltd. sa District Commander ng Philippine Coast Gard (PCG) North-Western Luzon, na ipinaalam sa kanya na ang M/Tug “ASL PROSPER ay hindi pinababayaan.


Gayunman, pinaboran umano ng Sual Pangasinan Station ang PENCON8 Salvage Corporation sa pag-iisyu ng Emergency Salvage Permit.

Noong Disyembre 17, 2024, tatlong katao naman ang sumakay sa M/Tug “ASL PROSPER” sa Sual, Pangasinan at nagbanta sa mga bantay ng barko na sasampahan sila ng mga kaso kapag tumanggi silang umalis sa nasabing lugar at dahil sa sa takot, bumaba ang mga bantay sa barko.


Kaugnay nito, noong Enero 4, 2025, dahil sa tip, ay sinalakay ng mga operatiba ng NBI ang Navotas Fishport Complex Pier 4 kung saan namataan ang nawawalang barko na itinago o tinakpan ng Super Shuttle RORO 12 at nadatnan sa loob ang tatlong suspek.

Samantala, kabilang din sa kakasuhan ang ilang opisyal at director ng PENCON8 Salvage Corporation, kung saan konektado ang tatlo.



Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like