Latest News

TATLONG KATAO SUGATAN, 100 BAHAY TUPO SA SUNOG SA TONDO

By: Baby Cuevas

MAY 100 kabahayan ang natupok samantalang tatlong katao naman ang sugatan nang sumiklab ang isang sunog sa may kanto ng Quirino at Herbosa Streets sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) na sina Erminia Barcinas, 38 ; Roy Rance, 34 at John Nernuel Lachica, 20/ Sila ay pawang nagtamo ng first-degree burns at hiwa sa hita.

Napag-alamang nag-umpisa ang sunog alas-10 ng umaga sa may Osmeña Street malapit sa Star Bright Academy. at tumagal ng 15 minuto.


Naging mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang dikit-dikit na mga bahay sa nasabing lugar..

Kasalukuyang isinasagawa ang isang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog, habang ang mga nawalan ng tirahan ay pansamantalang nasa basketball court.


Samantala, agad na nagpaabot ng mga pangunahing tulong na pagkain ang Manila Social Welfare Department sa mga biktima ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read