Inaresto ng National Bureau of Investigation – Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang tatlong katao dahil sa iligal na pagmimina sa Barangay Tayabas, Paracele, Camarines Norte.
Iprinisinta kay NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek na sina Archel Armillos,Bobby Loyola at Judy bDeauna dahil sa paglabag sa Section 103 ng R.A. 7943 (Philippine Mining Act of 1995) and Section 77 of PD 705 (Reform Forestry Code of the Philippines).
Inihayag ni Santiago na ang mga suspek ay naaresto sa aktong nagsasagawa ng iligal na pagmimina sa lugar, kung saan nakumpiska rin ang ilang kagamitan na ginagamit sa iligal na pagmimina.
Kaugnay niyan ay binigyan ng komendasyon ni Santiago ang mga operatiba ng NBI-EnCD sa kanilang accomplishment.
Ayon kay Santiago, patuloy sa kanilang operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad ang NBI.














