Latest News

TATLONG KASAPI NG DAULAH ISLAMIYAH, SUMUKO SA WESTMINCOM

TATLONG miyembro ng Daulah Islamiyah na kumikilos sa mga lugar na nasasakupan ng AFP Western Mindanao Command ang sumuko nitong nagdaang linggo.

Ang tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah ay sumuko sa military sa loob ng joint area of operation ng Western Mindanao Command noong Agosto 18 at 19, 2022.

Isa sa mga sumuko ay kabilang sa mga nalalabing miyembro ng Daulah Islamiyah-Maguid Aliboy Group na kinilala bilang a.k.a. Lapong, residente ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato. Siya ay sumuko sa tropa ng 10th Special Forces Company headquarters na matatagpuan sa Barangay Kablon, Tupi, ng nabangit na lalawigan . Kasamang isinuko ng dating terorista ang isang cal. 45 Colt pistol;.


Sinabi ni Maj. Gen. Roy Galido, Commander ng Joint Task Force Central na patuloy pa rin ang isinasagawang custodial debriefing ng 5th Special Forces Battalion sa dating violent extremist.

Samantala, dalawang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) ang sumuko sa 49th Infantry Battalion sa Lanao del Norte nitong nagdaang linggo rin, bitbit ang isang cal. 30 garand rifle at isang 7.62 sniper rifle.


Kinilala ni Brig. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan, ang mga sumukong personalidad na sina a.k.a.Habdani at a.k.a.Mao, parehong nasa tamang edad at residente ng Barangay Lindungan, Munai, Lanao del Norte.

Ang mga dating miyembro ng DI-MG ay iniharap kay Col. Charlemagne Batayola, Jr., Commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade sa 4th Mechanized Infantry Battalion headquarters na nakabase sa Barangay Nangka, Baloi, ng parehong lalawigan.


Ang simpleng surrender ceremony ay sinaksihan ni Mayor Racma Andamama ng bayan ng Munai; Director Bruce Colao, CESO V, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government; Police Col. Isias Bacurnay, Jr. ng Lanao del Norte Provincial Police Office; at Lt. Col. Joseph Marlon Famoso, Commanding Officer ng 4th Mechanized Battalion.

Ang dalawa ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 49IB para sa kaukulang disposisyon.

Pinuri ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ang nagawa ng mga nasabing unit at hinikayat din niya ang mga natitirang terorista na magdesisyon nang sumuko.

“This is the best time for them to abandon their group and return to the folds of the law and enjoy life with their families,” ani Rosario. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Daulah Islamiyah

You May Also Like

Most Read