TATLONG KALALAKIHANG SANGKOT SA ONLINE CHILD EXPLOITATION, ARESTADO SA NBI

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD),ang tatlong indibiduwal sa isinagawang pagsalakay kamakailan sa Tipas, Taguig City.

Nabatid na sinampahan ang mga suspek ng NBI-AHTRAD ng kasong paglabag sa RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children), RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), as amended by RA 10364 and RA 11862, at RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act).


Nakatanggap umano ng ulat ang NBI-AHTRAD at ang kaso ay ini-refer ng Destiny Rescue International kaugnay sa ginagawang sexual exploitation sa mga paslit ng ng isang dayuhan na nasa Pilipinas na nag-aalok ng live sexual exhibition sa mga paslit na kinasasangkutan ng isang 2-anyos na bata kapalit ng pera.

Nabatid na nagawa umano ng NBI sa pamamagitan ng asset na makipag-komunikasyon sa suspek na nag-aalok ng online sex sa mga paslit na may edad 7-8

Napag-alaman na sa 50 CSAEMs ipinadala ng suspek, may video pa kung saan nakita na ang isang paslit ay seksuwal na inaabuso ng kanyang ina.


Gamit ang iba’t-ibang sa kanyang accounts,ang suspek ay nag -aalok ng live sex show kapalit ng pera.

Kaagad namang nag-apply ang NBI ng search warrant at noong Hunyo 11, kasama ang.mga operatiba ng NBI-Digital Forensic Laboratory, at DOJ-IACAT, ay nagtungo sa bahay ng suspek ang.mga ahente ng NBI para sa implemwntasyon ng warrant to Seize, Search, at Examine Computer Data (WSSECD), entrapment, at rescue operation.


Lahat ng nakumpiskang gadgets ay isinumite sa NBI-DFL para sa forensic examination at nakita rin sa cellphone ng suspek,ang mga sex videos ng paslit.


Tags: National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD)

You May Also Like

Most Read