Natagpuan ang tatlong piraso ng Rifle Grenade H.E kamakalawa ng hapon sa isang abandonadong unit ng Midland Plaza Condominium, M. Adriatico St. sa Ermita Maynila.
Nabatid na kinuha ng mga tauhan ng Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU ) ang itinawag na tatlong Rifle Grenade HE.
Ito umano ay nadiskubre ni Pierluigi B Giannoni, Building Administrator,alas- 2:30 ng hapon habang pinapalinis ang inabandonang unit sa 9th floor, Rm.902-904 ng Midland Plaza.
Wala namang nadiskubreng iba pang pampasabog sina PSSg Chito Jesus De Guzman ng MPD- DECU nang magsagawa ng inspeksiyon sa kuwarto.
Dinala sa tanggapan ng DECU ang tatlong inabandonang Rifle Grenade H. E para sa tamang disposisyon.