TATLONG HOLDUPPER, ARESTADO SA MPD

Ni Itchie G. Cabayan

Tatlong kalalakihan ang arestado sa Manila Poloce District-Police Station 1 dahil sa pangho-holdup diumano sa mga pasahero ng isang jeep kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.


Ang mga suspek ay kinilalang sina Ivan Causo, 26 ; John Paul Gervacio, 23 at Pablo Velunza, Jr., 28, na pawang taga-Tondo, Maynila, habang tinutugis pa ang dalawa nilang kasabwat na sina Maichael Juliano at JM Ofren na nakatakas sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Honorio Lopez Blvd., Barangay 129, Tondo, Maynila.

Ayon sa reklamo ng mga biktimang sina Mary Ann,43; Ramel, 50 at Kenneth, 24, lulan sila ng pampasaherong jeep alas- 2 ng madaling araw nang pagsapit sa nabanggit na lugar ay sumakay rin ang mga suspek at saka nagdeklara ng holdup, sabay kinuha ang mga cellphone at sling bag ng mga biktima.

Pagbaba ng mga suspek ay kaagad ring bumaba ang mga biktima at nagreklamo sa MPD-PS1, na kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation, hanggang sa maaresto ang tatlo sa mga suspek pasado alas-10.ng gabi, habang naghihintay ng mga mabibiktima.muli sa parehong lugar.


Nabawi ang cellphone sa suspek na si Causo habang hindi na nabawi ang cellphone at bag ng dalawa pang biktima.

Samantala, sinampahan ng kasong robbery sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.


Tags: Manila Poloce District-Police Station 1

You May Also Like