Tatlong gang member na holdaper sa bus, arestado sa MPD-Station 4

By: Baby Cuevas

TATLO sa llimang holdaper ng bus ang arestado sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 4 at sinasabing sangkot din sa pag-holdap sa isang marketing executive sa loob ng isang bus.

Dinakip kamakalawa sa Matimyas, corner Batanes Streets sa Sampaloc, Maynila sa follow-up operation na isinagawa nina PSSg Rennald Marcos, Pat Arsenio Carambas II ,PSSG Ronnie Bandong at PCpl Brent Guinayen,ang mga suspek na sina Dionisio Eluna y Decania, 48, miyembro ng Batang City Jail Gang at residente ng 1035 Matimyas St., Sampaloc, Maynila; Anthony Embradora y Balino, 42 , miyembro ng Batang City Jail Gang at.taga 1035 Matimyas St., Sampaloc; at Mark Pangilinan y Flores, 32, miyembro ng Bahala na Gang at taga- Sulucan corner Lepanto Street., Sampaloc, Maynila.


Patuloy na tinutugis ang. dalawa pa nilang kasamahan.

Sa reklamo ng biktimang si Mendraianne Listangco y Delfi, 22 at residente ng no. 75 Rodman St., Talanay, Area 1, Batasan Hills, Quezon City, naganap ang. insidente alas- 9 ng gabi sa loob ng isang bus kung saan pagsapit sa nabanggit na. lugar ay idineklara na ng mga suspek ang holdap.

Pinagbantaan umano ng mga suspek na sasaksakin ang biktima kung hindi ibibigay ang kanyang kulay violet na Samsung S23 Ultra na nagkakahalaga ng P80, 000.


Ayon kay PSSg Reynaldo G Principe, Jr , idahil sa oangamba sa kanyang kaligtasan ay ibinigay ng biktima ang kanyang cellphone.

Nang magbabaan ang suspek ay bumaba na rin ang biktima at dumiretso sa presinto.


Tags: Manila Police District-Police Station 4

You May Also Like