Latest News

TATLONG CPP-NPA KADRE, PATAY

PATAY ang tatlong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa naganap na sagupaan sa Panay at Negros , sa ulat ng military kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio, sa taguig Metro Manila, isang hindi pa nakikilalang communist terrorist umano ng napatay sa engkwentro nang magsagupa ang tropa ng 31st Division Reconnaissance Company na nasa pangangasiwa ng 12th Infantry Battalion, sa Sitio . Maytaraw, Barangay Dalagaa-an, Libacao, Aklan.

Nagana pang bakbakan bandang alas 2:10 kamakalawa ng hapon na nagresulta sa kamatayan ng isang NPA at pagbawi sa isang Shotgun na may bala, mga bala para sa 5.56 rifles, isang backpack, NPA belongings at iba pang mga NPA war materiel.


Bandang alas 3:30 n g hapon dalawang NPA members anf napatay din sa 20 minutong sagupaan sa pagitan ng 94th Infantry Battalion at may 15 NPA members at Sitio. Kulihaw, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga napaslang na NPA na sina Elbert Nicolas Quillano, alias Carding, Finance Officer ng SDG Platoon at Jessa Luiso Quillano, alias Clean/Js a Medical Officer ng nasabing NPA unit.

Na-recover mula sa encounter site ang isang (1) Cal. 45 pistol; isang Cal. 45 magazine na may pitong bala isang Lenovo Tablet; dalawang (2) Cellular Phones; isang (1) Baofeng radio; various subversive documents at personal belongings.

Nitong nakalipas na linggo ay may 2 NPAs din ang napatay sa Himamaylan City, Negros Occidental. Nitong nakaraang linggo ay umaabot sa limang NPAs ang namatay sa 3 sagupaan bunsod ng walang humpay nan a military operationsng Line Units sa ilalim ng 3ID, PA.


Ayon kay Major General Benedict Arevalo, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division patuloy niyang hinihimok ang mga nalalabing kasapi ng ng CPP-NPA terrorists na kito na ang tamang panahon para magsalong ng sandata at magbalik loob sa pamahalaan tungo sa mapayapang pamumuhay.

“Your Army in Central and Western Visayas will never stop securing and serving its people until we attain long and lasting peace and development in this part of the country. We will continue to hunt the remaining terrorist group as part and parcel of our service to Filipino people,” sabi pa ni MGen Arevalo. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read