Latest News

TATLONG CPP-NPA GUERILLA PATAY, 1 ARESTADO

TATLONG diumano ay miyembro ng communist terrorist group ang napatay ng militar sa naganap na sagupaan sa Claveria, Misamis Oriental, nitong Linggo ayon sa 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Sa report ng Army 402nd Brigade habang nagsasagawa ang ng combat patrol operation ang kanilang mga tauhan sa may Sitio Solana, Barangay Plaridel, Claveria,nang masabat nila ang isang pulutong ng communist New People’s Army .

Agad na nauwi ang palitan ng putok sa madugong engkwentro na ikinasawi ng tatlong NPA, na kabilang sa Weakened Guerilla Front (WGF) Huawei, Sub Regional Command (SRC)1, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).


Narekober sa encounter site ang tatlong high powered firearms na kinabibilangan ng isang M16 Armalite na may magazine at may mga bala, isang carbine rifle na may magazine na may mga bala, at KG9 machine pistol, at mga subersibong dokumento.

“This is a clear manifestation that the CPP/NPA in the country is losing ground,” ani Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Col. Jorry Baclor.

Sa Northern Samar, naaresto naman ng mga awtoridad sa bayan ng Gamay ang isang babaeng hinihinalang miyembro ng NPA at itinuturing na second most wanted person sa probinsya.

Sa bisa ng 2 warrant, hinuli ng pulisya at mga sundalo si alyas “Megan,” 65, secretary umano ng isang sub-regional committee ng NPA.


Nakuha umano sa suspek ang ilang baril, bala at improvised explosive device.

Mahahanap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nanawagan naman si Northern Samar police acting director Col. Alfredo Tadefa sa mga kasapi ng NPA na sumuko na at samantalahin ang alok na pagbabagong buhay ng pamahalaan sa kanilang hanay. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read