TATLONG CNTS PATAY SA SAGUPAAN, MGA HIGH-POWERED FIREARMS NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

Sa gitna ng isinasagawang matinding Decisive Military Operations (DMOs) ng militar laban sa mga terorista isang grupo ng Communist New Peoples Army Terrorist (CNTs) ang nakasagupa ng mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) ZamPeLan Sitio Bagong Silang, Barangay Malna, Kapai, Lanao del Sur nitong nakalipas na linggo.

Tatlong NPA terrorist na pinaniniwalaang kasapi ng Dispatch Team ng Sub-Regional Committee 5 (SRC-5), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na pinamumunuan ni alias Drags/Pio/Mobaks ang napatay matapos ang ilang minutong sagupaan.


Kinilala ang mga napaslang na sina Rochie Singaman alias Mogul/Aidan/Jan-Jan, PSR Listed #16; Wendy Luis alias Cris/Kit/Haber, PSR Listed #31; at Hernan Gainalang alias Ren/Jam/Asero/Jamer, PSR Listed #32 .

Apat na mataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng military sa isinagawang clearing operation na kinabibilangan ng dalawang M16 Rifles; isang M653 Rifle; at isang M14 Rifle.

Wala namang nasugatan sa panig ng military na kasalukuyang tinutugis pa rin ang mga nakatakas na NPA terrorist sa gitna ng bakbakan.


“First and foremost, we would like to underline the significant role of JTF Zampelan in the neutralization of the said threat group. We anticipate fruitful operations in the months to come noting the continuous efforts and developments made to eliminate the threats in our Area of Responsibility,” pahayag ni Lt. Gen. William Gonzales, pinuno ng Western Mindanao Command (WestMinCom).

Samantala gamit ang metal detector nahukay ng 902nd Infantry Brigade ang 22 baril na ibinaon ng mga NPA Barangay Sta. Isabel, Iriga City na bahagi ng pagsisikap ng Philippine Army 9th Infantry Division na wakasan na ang insurgency sa Bicol region.


Ikinasa ng 9th ID ang joint recovery operation sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng 49th Infantry Battalion (49IB), at 83rd Infantry Battalion (83IB), kasama ang 92nd at 93rd Division Reconnaissance Companies matapos na magsumbong ang ilang residente sa area na may mga kahinahinalang kalalakihan ang naghuhukay at may ibinaon sa lugar.

Hindi tiyak ng impormante ang lugar na pinaglibingan ng mga baril kaya gumamit ng metal detectors, ang mga sundalo hanggang sa matunton ang nakabaong arm caches na kinabibilangan ng labing walong M16 rifles, dalawang M14 rifles, isang M653 rifle, at isang 12-gauge shotgun.


Tags: Decisive Military Operations (DMOs)

You May Also Like

Most Read