Dead on the spot ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) nang tambangan ng mga armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa lalawigan ng Cotabato.
Sa ulat ng military at ng Cotabato PPO bandang alas 5:30 ng umaga isinagawa ng mga hinihinalang lawless element na kumikilos sa lalawigan ang pag ambush sa grupo ng para military na papauwi na sana mula sa kanilang duty.
Agad na nasawi sina Ariel Cedino Jr., Uy-uy Mancera at Joel Chavez pawing kasapi ng CAFGU sa ilalim ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army.
Lumitaw sa pagsisiyasat ng Philippine Army 602nd Brigade na sakay ng motorsiklo ang mga biktima mula sa kanilang kampo at papauwi na ng kanilang mga bahay nang pagbabarilin pagsapit nito sa Barangay Manaulanan Pikit Cotabato ay bigla itong inambush ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gam.
Agad na tumakas ang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga sundalo,pulis at mga kasamahan nilang mga Cafgu.
Target naman ngayo ng hot pursuit operation ang mga tumatakas na grupo sa likod ng pananambang sa tatlong Cafgu. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)














