Arestado ng NBI-Ilocos Regional Office (NBI-IRO) ang tatlong bugaw habang nasagip naman ang siyam na kababaihan sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Urdaneta, Pangasinan.
Kabilang sa mga inaresto sina Edwin Ceniza,Asterio Campos Paris, Jr. at Arnold Belen Martinez.
Nag-ugat ang operasyon sa liham ng isang concerned na babae mula sa Pangasinan na humihingi ng tulong para mahinto ang prostitution ng “Gravity”,isang resto bar na matatagpuan sa McArthur Highway, Brgy. Nancayasan, Urdaneta, Pangasinan na pag-aari ni Ceniza.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang NBI at nang makumpirma ang iligal na aktibidad ay ikinasa ang entrapment operation.
Noong Oktubre 12,2022 , kasama mg NBI at DSWD ay pinuntahan ang naturang resto bar na nagresulta ng pakaka-aresto ng mga suspek.
Ini-inquest naman ang mga suspek sa salang paglabag sa RA 9208 kilala bilang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended sa Pangasinan Prosecutors Office. (Carl Angelo)