Tatlong biktima ng humam trafficking, nasagip ng NBI

By: Baby Cuevas

TATLONG biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) sa isinagawangg entrapment operation kamakailan sa isang Health SPA sa Betterliving, Don Bosco sa Parañaque City.

Sinabi ng NBI na nakatanggap sila ng impormasyon na ang Breathing Space Health Spa ay nag-aalok ng mga babaeng sex workers.


Isang nangangalang Nelson Calimoso umano na nagapapatakbo ng SPA na matatagpuan sa France St., Betterliving, Don Bosco, Parañaque ang nag- aalok ng mga sex workers .

Nakakumpiska ang mga ahente ng NBI ng mga gamit at hindi pa nagagamit na condom sa naturang SPA.

Iniimbestigahan ng NBI si Calimoso at isang Abigail Piston na isa run sa may ari ng SPA base sa business permit at certificate na nasa loob ng establisimiyento.


Samantala, sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), as amended,ang suspek sa Paranaque Prosecutors Office.


Tags: National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD)

You May Also Like