Nagtamo ng minor injuries ang tatlong miyembro ng Manila-Bureau of Fire Protection (BFP) habang nag-aapula ng sunog na naganap kahapon ng hapon sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa Manila Police District -Station 4, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Jenny Vinter y Gallento, 42, ng No. 1642 Sisa St. corner Calamba St., Brgy. 495 Zone 49, Sampaloc, Maynila
Nabatid na alas-12:39 p.m. nang makitang nag-aapoy ang ikalawang palapag ng bahay.
Idineklarang ‘fireout’ ang sunog alas- 2:21 ng hapon.
Nilapatan naman ng lunas ang tatlong miyembro ng BFP na nagtamo lamang ng minor injuries.
Pauloy na iniimbistigahan ng arson ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.