Latest News

TATLONG BATA, HUMABOL SA TODOS LOS SANTOS

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng tatlong batang babae na nasawi kamakalawa ng umaga matapos na magkatuwaang maligo sa ilog sa Bulan, Sorsogon.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng Bulan Municipal Police Office, kabilang sa mga nasawi ang isang siyam na anyos na batang babae at dalawa nitong kaibigan na kapwa walong taong gulang lamang .

Sinasabing nagkatuwaang maglaro at maligo ang mga ito sa ilog sa Barangay Abad Santos bandang alas-10 ng umaga at hinihinalang napadpad sa malalim na bahagi ng ilog dahil sa lakas ng agos.


Sinubukan pa umanong sagipin ng mga residente ang tatlo ngunit patay na ang mga ito nang maiahon sa ilog.

Dinala sa ospital ng mga sumaklolo ang tatlong biktima subalit pawang idineklarang dead- on- arrival ang mga ito.

Tags: Bulan Municipal Police Office

You May Also Like

Most Read