Naabo ang tatlong kabahayan matapos na sumiklab ang isang sunog kahapon ng umaga sa West Zamora sa Paco, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 9:54 ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang fire-out alas-10:37 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog, habang patuloy pang iniimbistigahan ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














