Tatlong bagets, arestado sa marijuana

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District – Station 13 ang tatlong “bagets” matapos na makuhanan ng tatlong plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana kamakalawa ng gabi sa may 12thSt., Port Area,Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS13 ang mga suspek na sina Carl Lawrence Samson, alyas Cacarl, 18, ALS student ; Michael Angelo Ongco 19,helper,alyas Dudong at John Michael Narra,alyas John-John,18 ,pawang taga- 12th Street, Brgy.650, Port Area, Maynila.


Nagsagawa umano ng police visibility ang mga tauhan ng MPD-PS13 alas-9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar nang makita ang tatlo.

Sinita ng mga pulis ang tatlo at nang kapkapan ay nakuha sa kani-kanilang bulsa ang tig-isang sachet ng pinatuyong marijuana na may street value na P720.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Station 13

You May Also Like