Latest News

TATLONG BABAENG MAGKAKAPATID, PATAY SA SUNOG SA STA. MESA, MAYNILA

By: Baby Cuevas

NASAWI sa isang sunog na sumiklab sa Sta. Mesa, Manila nitong Martes ang tatlong babaeng magkakapatid na pawang menor de edad.

Ang mga biktima ay nagkakaedad nang mula pito hanggang 16 anyos.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sta. Mesa Police Station 8 (PS-8),  alas-5:12 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa naturang dalawang palapag na residential building na matatagpuan sa Guadalcanal St., sa Sta. Mesa at pagmamay-ari ng isang ‘Ginalinda Reyes.’


Umabot lamang sa unang alarma ang sunog bago naideklarang ‘fire out’  alas-5:58 ng gabi.

Ayon kay Barangay Chairman Francisco Blanco ng Barangay 597, malakas ang usok sa tahanan nang madatnan nila ngunit walang lumalabas na apoy.

Sinabi umano ng mga magulang na naiwanan ang mga bata sa loob ng bahay ngunit hindi naman nila mapasok ang kanilang tahanan dahil sa makapal na usok.

Maging ang mga bumbero ay hindi rin agad nakapasok sa bahay dahil kulob ito.


Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa itinatayang P30,000 halaga ng ari-arian.

 

Tags: Manila Police District (MPD)-Sta. Mesa Police Station 8 (PS-8)

You May Also Like

Most Read