TATLONG kababaihang sangkot umano sa iligal na pagbebenta ng SIM cards ang dinakip ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) sa isinagawang operasyon sa isang unit sa Orchard Residences, Masangkay Street, Tondo, Maynila.
Sina Khim Thi Ta, Ria Nuñez Sto.Domingo at Mary Joy Llamera Sto.Domingo ay kinasuhan ng paglabag sa R.A. 11934 (SIM Registration Act).
Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI -OTCD kaugnay sa iligal na pagbebenta ng mga suspek ng Subscriber Identity Module (SIM) cards na umano’y ginagamit sa iligal na aktibidad.
Kaagad na nag-apply ang NBI-OTCD ng search warrant sa target na condominium unit na nagresulta ng pagkaka- kumpiska sa mga pre-registered SIM cards, cellular phones, computer sets at GSM Modem/Text Blaster.