Tatlong Muslim na sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 14 sa isang operasyon kahapon ng umaga sa loob ng Golden Mosque Compound sa Globo De Oro St., Brgy. 384, Quiapo, Maynila.
Nasa kustodiya na ngayon ng MPD-PS 14 ang mga suspek na sina Olinor Pascan,alyas Fatimah,34; Khalid Datumanong,39; at Zacaria Khusein,68,pawang tubong Cotabato City at nakatira sa
Golden Mosque Compound Globo De Oro St., Brgy. 384, Quiapo, Maynila.
Ikinasa ng mga operatiba ng MPD-PS14,ang buy -bust operation dakong alas- 6:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska ng grupo ni PMaj Salvador Iñigo, Jr.,ang 10 piraso
ng transparent sachet na naglalaman ng may 54 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P367,200, bukod pa sa P300.marked money.
Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.