Sugatan ang tatlong lalaki matapos na tumagilid ang sinasakyang Isuzu Elf, nang sumabog ang kanang gulong nito kahapon ng umaga sa southbound lane ng Nagtahan flyover sa San Miguel, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni PMSg John Mark Estrada ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 6 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Nabatid na minamaneho ni Romelito Canete ang Isuzu Elf Utility van na may plate number NFY 4417 nang pagsapit sa lugar ay sumabog ang kanang gulong nito, na nagresulta sa pagtagilid ng naturang sasakyan.
Sa tindi ng impact ay nasugatan ang tatlong sakay ng Elf van. Di na binanggit ang pangalan ng dalawang sakay nito. (Philip Reyes)