Tatlong tao ang sugatan, kabilang ang isang matandang babaeng pasahero, nang masagi ng isang coach ng Philippine National Railways (PNR) ang isang crawler crane kamakalawa ng umaga sa northbound lane ng Antipolo railroad track malapit sa G. Tuazon Street, Sampaloc Maynila.
Isinugod sa Chinese General Hospital ang pasaherong si Esperanza B.Mozo,68 ,biyuda at taga 7493 A Bagtican St.Brgy San Antonio Village Makati City ;Ronnel Jay Bajaro,conductor ng tren at Melfarzar Delos Santos y Sisno,tren operator ng tren.
Sa imbestigasyon ni PCpl Eric Jay F Despabiladero ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 8:35 n umaga sa nabanggit na lugar.
Nasa northbound lane ang locomotive train nang pagsapit sa naturang lugar ay masagi ang crawler crane na nago-operate noon sa lugar.
Sa impact ay nasugatan ang tatlo at mabilis na isinugod sa pagamutan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng MDTEU kaugnay sa insidente upang matukoy kung sino ang may kasalanan. (Arsenio Tan)