Latest News

TATLO, SUGATAN SA BANGGAAN NG SUV, TRIKE AT MOTORSIKLO

By: Baby Cuevas

Sugatan ang tatlong katao, kabilang ang isang tricycle driver, rider at backride nito, matapos na pumaling sa kanan ang isang sports utility vehicle (SUV) nang mabangga ang nakalagay na concrete barrier sa northbound lane ng Padre Burgos Street bago sumapit sa panulukan ng C. M. Palma St. sa Ermita, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit- Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente alas- 2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.


Binabagtas umano ni John Ray Obado, 35, driver ng Mitsubishi Montero na may plate number NDO-7737, ang nabanggit na lugar nang mabangga nito ang nakalagay na concrete barrier.

Dahil sa lakas ng impact ay pumaling sa kanan ang SUV, dahilan para mabangga naman ng kasunod na tricycle na minamaneho ni Jay Parinas, 24 at motorsiklo na minamaneho naman ni Rowel Pabillo kasama ang backride na si Janessa Guevarra ,49.

Kapwa bumagsak sina Pabillo at Guevarra na bahagyang nasugatan.


Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang insidente para sa paghaharap ng kaukulang kaso.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section MDTEU-VTIS)

You May Also Like