Latest News

Tatlo sa bawat limang bata, psychologically-abused

Ibinunyagr ng Council for the Welfare of Children (CWC) na tatlo sa kada limang bata ang dumaranas ng psychological abuse.

Sinabi ni CWC Public Affairs and Information Head Elino Bardillon sa Laging Handa Briefing na ito umano ang lumabas sa kanilang pag-aaral.

Ani Bardillon, sa selebrasyon ng National Children’s Month ay naka-fokus umano ang ahensiya sa mental health ng mga bata.

Ayon pa kay Bardillon,ang pag-aaral ay ginawa bago mag-pandemya noong 2019 kung saan pinalala pa ng sitwasyon ng COVID-19 ang problema sa mental health ng mga bata.

“Bago pa mag-pandemic ay mayroon kaming ginawang pag-aaral, mahigit 3,000 mga bata, ininterbyu namin at lumabas doon na tatlo sa limang bata ay psychologically abused,” ani Bardillon .

“Alam mo ba na maraming bata ay minumura, inaalipusta, so mga negative words – psychological abuse sila at nagreresulta iyon sa stress, anxiety,” dagdag ni Bardillon.

Base sa situational analysis na ginawa ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), lumalabas na 10 hanggang 15 percent ng kabataang Pilipino mula limang taon hanggang teenage years ay may mental health problems na minsan ay nagreresulta sa suicide.

Ang COVID-19 pandemic ay nakadagdag umano0 sa stress at anxiety na dinaranas ng mga bata partikular na sa implementasyon ng modular at online classes.

Napag-laman na ang pandemya ay nakapagdagdag rin sa bilang ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata na kalimitan ay nangyayari pa sa loob ng kanilang bahay at ang pang-aabuso ay ginagawa.mismo ng miyembro o kaanak.

Sanhi nito,para masolusyunan ang problema ay naglunsad ang CWC ng Maka-bata Helpline.”

Sa pamamagitan ng helpline,ang mga bata o yung mga nakasaksi ng pagmamalupit sa mga bata ay maaring i-report ang insidente sa “Maka-bata Helpline” sa mobile numbers 0917-8022375, 0960-3779863, o makipag ugnayan sa kanilang Facebook page. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read