Nasamsam ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 9 ang tatlong sachet ng “kush” mula sa tatlong indibidwal, kabilang na ang isang babae sa isinagawang anti-criminality and law enforcement operation kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.
Kinilala ni PMSg Ace Gregory Catalan,imbestigador ng MPD-PS9, ang mga suspek na sina Eddie Espenilla ,26; Jaderielle Mark Musngi,alyas ‘Eddie Boy’,26; at Cyrene Mangabang, 23.
Nabatid na ala-1:45 ng madaling araw nang masita ng.mga pulis ang mga suspek sa may San Andres corner Adriatico Streets sa Malate, Maynila.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, stems at fruiting tops na pinaghihinalaang marijuana o kush na may street value na P1,800.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek. (Carl Angelo)