Latest News

Tatlo, laglag sa buy-bust

Nabitag sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 14 ang tatlong hinihinalang nagbebenta ng shabu,kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni PPMaj Gil John Lobaton ng MPD-PS 14 ang mga suspek na sina Joselito Cho, 37, ng No. 06 Carcer St.,Quiapo; Ronald Cadawas, 57 ,miyembro ng Singson Crime Group at Bernie Borja, 50, ng 1220 Sta Clara St., Sampaloc..


Isinagawa ang buy-bust operation alas 6:30 ng gabi matapos makatanggap ng impormasyon sa umano’y bentahan ng iligal na droga sa lugar.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at nang magka-abutan ay inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 mula sa mga suspek.


Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like