TATLO, KINASUHAN NG ECONOMIC SABOTAGE SA P260-MILLION SMUGGLED RICE

By: Victor Baldemor Ruiz

Inihayag ni Lawyer William Balayo, acting director ng legal service ng Bureau of Customs, na nagsampa sila ng tatlong kaso ng economic sabotage laban sa tatlong importer o large scale smuggling kaugnay sa paglabag sa R.A. 10845, known as the Anti-Agricultural Smuggling Act.

Kasunod ito ng pagkaka-kumpiska ng sak0 sakong hinihinalang smuggled rice na itinatayang nasa P260 million ang halaga mula sa apat na bodegang sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Custom sa Bulacan..


Ayon sa ulat na ibinahagi ng Aduana, nakumpiska ng kanilang mga ahente ang may 236,571 sako ng smuggled rice na natuklasan sa apat na bodega.

Ina-antabayanan ng BOC ang mga magiging komento ng government prosecutor hinggil sa seizure.

Nitong nakalipas na linggo ay naghain ng apat na kaso ng smuggling ang BOC Bureau Action Team Against Smuggling (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga hinihinalang rice smugglers sa Bulacan at isang kaso dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa ilalim ng Agricultural Product Smuggling. Or violations of Republic Act (R.A.) 10863, at R.A. 11203 or the Rice Tariffication Law.


Pinatitiyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy ang laban kontra sa mga smuggler at hoarder na nasa likod ng scheme ng price manipulation na nagtutulak sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang bukbok ang lubos na sumisira sa balanse ng suplay at presyo ng bigas sa merkado habang ang hoarding, smuggling at price manipulation ay ginagawa ng mga mapagsamantalang mga negosyante.


Siniguro ng Pangulong Marcos na hindi titigil ang gobyerno sa pagtugis sa mga smugglers at hoarders at mapanagot ang mga ito sa batas.


Tags: Bureau of Custom

You May Also Like

Most Read