Latest News

TATLO, HINIHINALANG MGA HVT SA KALAKALAN NG DROGA, HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

TATLONG itinuturing na mga ‘igh- value target’ sa kalakalan ng droga ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ng PDEA Director General Moro Vergilio Lazo ay kinilala ang mga nadakip na sina Mario Alden Gaspar y Henata 25, ng Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya; April Galpito 29, binata, ng Brgy. Kaligtasan, Bayombong at Marvin Driza y Galves 50, ng Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.


Napag-alamang matapos ang ilang araw na surveillance operation ay ikinasa ng mga tauhan ng PDEA RO II Nueva Vizcaya provincial office (PO) at Bayombong police station (PS ) ang isang buy- bust operation sa Brgy. Bonfal West, sa bayan ng Bayombong.

Nakumpiska sa operasyon ang 605 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang market value na aabot sa P72, 600, limang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang market value na P32,000, sari-saring mga drug paraphernalia, isang unit ng android cellphone at dalawang unit ng keypad cellular phones; cash na nagkakahalaga ng P5,958.00 at buy-bust money.

Pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip.


Tags: PDEA Director General Moro Vergilio Lazo

You May Also Like