Tatlo, arestado sa shabu

Arestado ang tatlong katao,kabilang ang isang babae, dahil sa pagtutulak ng iligal na shabu sa isang buybust operation kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Sagrada Familia at Granate Streets sa San Andres Bukid, Maynila

Naka-detine sa Manila Police District-Police Station 6 ang suspek na sina Aster Alfonso,alyas Tim,27t ; Rodolfo Veros,36 at Rose Gay Castro,, 35, pawang taga- 1661 Sagrada Familia St., San Andres Bukid, Maynila.


Naganap ang buybust operation, alas 2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600 at P200 buy-bust money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Article II Section 5 at 11 (Selling of Dangerous Drugs and Possession of Dangerous Drugs) ang mga suspek.


Tags: Manila Police District-Police Station 6

You May Also Like