Tatlo, arestado sa buy-bust sa San Andres, Maynila

By: Baby Cuevas

Tatlong katao, kabilang ang isang babae, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa loob ng isang bahay sa San Andres Bukid,Maynila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 6 ang mga suspect na sina Joever Pabillano,37 ng 1853 Estrada Street, Brgy. 773 Zone 84 Sta. Ana, Maynila; Allan Villahermosa,53, ng 2574 Alabastro St. Barangay 765 zone 83 Sta. Ana, Maynila at Anabelle Español,35, ng 2547 Sampaguita Street, Barangay 776 zone 85 Sta. Ana, Maynila.


Ayon kay PCPT Moises Garcia ng MPD-PS6, alas- 4:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa bahay ni Español kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang 5.10 gramo ng shabu na may market value na P34,680,shotgun at isang piraso ng P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 6

You May Also Like

Most Read