TATLO, ARESTADO SA BUY-BUST SA BASECO

By: Carl Angelo

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 13 ang tatlong katao na kinabibilangan ng dallawang babae at isang lalki sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Baseco Compound,Port Area, Maynila.

Inaresto nina PCapt Harold Celestra ng MPD-PS13 sina Sheryl Asistio,alyas She ,47, ng Blk.1 Gasangan, Brgy.649, Baseco Compound, Port Area ; Berlindo Alvarez,alyas Virgin,32, construction worker,ng 262 Blk.15 A, Staging Area, Brgy.649, Baseco Compound, Port Area at Arnel Paler,45, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng Blk.15 A, Staging Area, Brgy.649, Baseco Compound, Port Area, Maynila.


Ang tatlo ay naaresto alas- 4:40 ng.madaling araw sa Blk.15 A, Baseco Compound, Brgy.649, Port Area, Maynila.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 sachet ng shabu ba tumitimbang ng 5.2 gramo at may halagang P35,360 bukod pa sa P500.marked money.

Isang impormante ang nag- tip sa pulisya na may nagaganap na bentahan ng shabu sa lugar kaya ikinasa ang buy-bust, dahilan para maaresto ang.mga suspek.


Sinampahan ang mga suspek g kasong paglabag sa Sec. 5.at 11 ng RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Station 13

You May Also Like