DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang tatlong indibiduwal dahil sa pagmimintina ng pasilidad ng mga mapanganib na kemikal.
Kabilang sa mga inaresto sina Mariano Villanueva Jr.,Nomer Aquino at Manny Ferrer,ng Bam Connectivity Phils.Inc.na matatagpuan sa Calamba,Laguna.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na ang kumpanya ay nag iimbak at gumagamit ng mga hazardous substance nang walang permiso mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nalaman rin na ang mga mapanganib na substansiya ay ginagamit sa arawang operasyon at Hindi naitatapon alinsunod sa regulasyon ng DENR.
Hindi rin umano Kasama ang kumpanya sa listahan ng mga inisyuhan ng DENR ng Environmental Compliance Certificate (ECC), Certificate of Non-Coverage (CNC), Permit to Operate (PTO), Hazardous Waste Registration ID o anumang dokumento may kinalaman sa kanilang negosyo.
Napag-alaman na noong Mayo 4,2023 nagsagawa ng operasyon ang NBI, kasama ang DENR-EMB, na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 13(a) of RA 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 sa Calamba, Laguna City Prosecutor’s Office.













