Latest News

TATAY PINUGUTAN NG ANAK NA MAY SAYAD, BITUKA HINIHINALANG BINALAK ILUTO

By: Victor Baldemor Ruiz

PINAGHAHANAP pa ng mga awtoridad ang ulo ng isang 60- anyos na lalaki matapos na pugutan ng kanyang sariling anak na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip at nagbalak pa umanong iluto ang lamang-loob ng biktima sa krimen na naganap sa Bgy. Madaum, Tagum City, Davao del Norte nitong nakalipas na Linggo.

Hinihinala na posibleng nasa impluwensiya din umano ng ipinagbabawal na gamot ang suspek kaya ipinag-utos ng arresting team na isailalim din ito sa drug test.

Sa ulat, wala nang ulo at halos tinadtad na ang mga bahagi ng katawan ng biktimang si Loloy Barlis, nang datnan ng mga pulis sa bahay nito.


Hindi naman maipaliwanag ng nadakip na suspek kung bakit inilagay pa niya sa kawali ang mga lamang-loob ng ama at itinapon ang iba sa labas ng bahay.

Ayon kay Police Lt. Col. Wildemar Tiu, hepe ng Tagum City Police, narinig umano ang kumosyon sa bahay ng mag-ama bago nangyari ang krimen.


Lumitaw sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na may problema umano sa pag-iisip ang suspek na nahaharap na ngayon sa kasong parricide.

Samantala sa hiwalay na balita ay natagpuan naman ang halos bungo na lamang na ulo ng isang anim na taong gulang na batang lalaki na unang natagpuan ang katawang walang ulo sa Tabogon, Cebu, makalipas ang ilang araw na iulat itong nawawala at madiskubre ang bangkay ng bata na nag-uumpisa nang maagnas.


Isasailalim sa autopsy ang katawan upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Tags: Tagum City Police

You May Also Like

Most Read