Latest News

Tatay na pumatay sa bugbog sa 7 anyos na anak, arestado sa gun ban

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa gun ban ang isang 32-anyos na lalaki na inakusahan ring pumatay sa kanyang 7- anyos na anak na babae sa bugbog, kamakailan sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na si Carlo Danny Llorentaga 140 Sto. Niño St. Tondo, Maynila ay nakunan ng baril sa kanyang bewang matapos na sitahin ng mga nagpapatrulyang pulis.

Nabatid na ang suspek ay pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na si Catherine Joy.


Tumakas umano si Lloren at nag-iwan ng sulat at itinatangging pinatay niya ang anak.

Bago namatay ang biktimang si Catherine Joy, nakapagsumbong at ikinuwento nito sa kanyang lola na si Margarita Napacia at nai-record sa mobile phone ang ginawa sa kanya ng ama.



Nabatid na naganap ang insidente noong Agosto 18,2023 ng alas- 9 ng umaga nang utusan ng suspek ang anak na bumili sa tindahan.

Gayunman, hindi naibalik ng biktima ang sukli dahil ibinili ito ng tinapay dahil nagugutom umano siya, dahilan kung bakit nagalit ang suspek at pinagsusuntok ang anak sa iba’t-itbang bahagi ng katawan.


Alas- 6 ng gabi nang makaranas ang biktima ng matinding pananakit ng ulo at katawan hanggang hindi na nito maigalaw ang ulo pero binalewala pa rin ng suspek at kaanak nito hanggang lumala ang kalagayan nito.

Noong Agosto 22,dinala ni Napacia ang apo sa Tondo Medical Center pero noong Agosto 26 alas 2- ng hapon ay nasawi rin ang biktima.

Hindi kaagad nakapagreklamo si Napacia sa pulisya dahil inasikaso pa muna nito ang pagpapalibing sa apo .

Wala umano ang ina ng bata nang mangyari ang pambubugbog ng suspek sa anak.

Sa kabila na hindi pa naisasampa ang kaaong parricide ay isinampa naman sa Manila Prosecutors Office ang kasong paglabag sa gun ban laban sa suspek.

Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like