Latest News

TATAY, MINOLESTIYA ANG GF NG ANAK, KALABOSO

By: Baby Cuevas

NAGHIHIMAS ngayon ng rehas ang isang 39- anyos na lalaki matapos nitong molestiyahin diumano ang isang 14- anyos na high school student na nobya ng kanyang anak nang makitulog ito sa kanilang bahay Lunes ng gabi sa No. 413 Area B, Gate 52, Parola, Brgy 275, Binondo, Maynila.

Ayon sa reklamo ng biktima kay PSSg Vanessa Javier ng Women’s Desk ng Manila Police District -Police Station 12, nagising na lamang siya alas- 2 ng madaling araw na nakakubabaw sa kanya ang suspek na kinilalang si Dennis.


Napag-alaman kay PLt.Ferdinand Omli,hele ng Warrant Section ng MPD-PS 12 na nakitulog umano ang biktima sa bahay ng nobyo na anak ng suspek subalit nagising siya na nakapatong sa kanya ang tatay ng nobyo.

Nang makalabas ng bahay ang biktima ay kaagad itong umuwi at nagsumbong sa kanyang mga magulang at nagreklamo sila sa pulisya.

Alas- 12:45 ng hapon nang maaresto sa kanyang bahay ang suspek ng isang police teama na binubuo nina nina PMSg Mart Roque, PMSg Milven P Leyva, PMSg Narciso S Ignaco, Jr at PCpl Allan I Juego.


Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8353 (Rape) sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 12

You May Also Like