TATAY, DINAKIP SA UMANO’Y PAGMOLESTIYA SA 5-ANYOS NA ANAK NA LALAKI

By: JANTZEN ALVIN

ISANG tatay ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinamumunuan ni Director Jaime Santiado, dahil sa diumano ay pag-molestiya sa sarili niyang anak na lalaking limang-taong gulang pa lamang.

Ang suspek ay inaresto ng mga ahente ng NBI Organized and Transnational Crimes division sa kanyang bahay noong Martes ng gabi matapos siyang ireklamo ng kanyang misis.


Ayon sa nanay ng bata, kaagad niyang dinala sa doktor ang biktima nang may mapansin siyang sugat sa pribadong bahagi nito.

“Pinaliguan ko ang anak ko, hinugasan ko ang puwet. Tapos pagtingin ko may pula, pinicturan ko. [Sabi ko] ‘Anak bakit mapula ito?’ Hindi raw niya alam… Sabi ng doktor dalhin ko sa medico- legal,” ayon sa ina ng biktima.

Napag-alaman na una nang nakulong ang suspek noong 2022, matapos siyang gahasain at ang bata pero nakapag-piyansa at nakipag- ayos ito sa mag-ina, na labis pinagsisisihan ngayon ng ina ng biktima.

Samantala, depensa ng suspek na binabaligtad lang umano siya ng kanyang misis dahil may bago siyang karelasyon, matapos na itanggi ang panggagahasa sa misis at sa bata.


Namula umano ang pribadong bahagi ng anak dahil sa pagtatae dahil sa hilig sa tsitsirya at hindi madalas na pag-inom ng tubig.

Gayunman, nanindigan ang NBI na ginahasa ang bata base sa medico legal report.

Ayon kay Jerome Bomediano ng NBI-OTCD, sasampahan ng kasong rape at child abuse ang suspek habang isasailalim sa counseling ang mag-ina.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read