PUMANAW na si Tarlac 1st District Congressman Carlos “Charlie” Cojuangco noong Martes sa edad na 58.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng misis ni Cong. Cojuangco.
“It is with a heavy heart that we regret to inform you that my husband, Claudia and Jaime’s father, Carlos “Charlie” Cojuangco, has passed away,” nakasaad sa Facebook post ni China Jocson .
Matatandaang ikinasal sina Jocson at Cojuangco noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Hindi nagbigay ng iba pang detalye ukol sa sanhi ng pagpanaw ng kongresista.
“We feel at peace knowing that he can rest now,” ayon naman sa post ng pamilya Conjuangco.
“We would like to memorialize him by celebrating his wonderful life at The Heritage Memorial Park from Wednesday to Friday, Feb 23 to 25, at 9am to midnight, and in Tarlac on Saturday Feb 26 at 10am to midnight,” anunsiyo pa ng pamilya.
Nagpasalamay din ang pamilya ng kongresista sa lahat ng “prayers and thoughts during this difficult time.”
Si Cojuangco ay anak ng tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco.