Latest News

Target ng DOH sa booster shot, ibinaba

IBINABA na ng Department of Health (DOH) sa 30% ng bilang ng fully-vaccinated na Filipino ang kanilang target na mabakunahan ng ‘booster shot’ sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Due to the pace at which our booster vaccination is going, we have adjusted our target only for the first 100 days (Oct. 8) to 30%,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.


Ngunit nananatili naman umano na 50% pa rin ang target nila na mabakunahan sa katapusan ng 2022.

“In fact, some regions such as NCR have already achieved our target of 50% booster vaccination coverage,” saad pa ni Vergeire.

Sa kabila ng pagbababa sa target hanggang Oktubre 8, hindi umano nangangahulugan na magpapabaya na sila sa kampanya at magkakasya na lamang sa 30%. Dinodoble na nila umano ang kanilang kampanya para maabot ang target sa pamamagitan ng ugnayan sa iba’t ibang sektor at pagbibigay ng insentibo sa mga magpapa-booster.


Sa huli, kahit na iba’t ibang istratehiya ang gagawin ng pamahalaan para sa booster vaccination kung hindi naman makikipag-koopera ang publiko ay mawawalan rin ng saysay.

“Kaya magtulong-tulong po tayo dito, let us all get boosted and let us encourage everyone we know to get boosted as well so we can protect the people we love and successfully transition to the new normal,” dagdag pa ng opisyal. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like