Latest News

TARGET NA NG MANHUNT, SUSPEK SA PAGBARIL SA ANAK NG PULIS

By: Victor Baldemor Ruiz

SINISIKAP ngayon ng mga kagawad ng Philippine National Police na matukoy ang pagkakakilanlan at madakip sa lalong madaling panahon ang lalaking responsable sa pagbaril sa limang taong gulang na bata na anak ng isang pulis-Lucban, Quezon.

Ayon sa ulat, sugatan ang anak na babae ng isang pulis nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang motorcycle- riding gunman sa bayan ng Lucban nitong Lunes habang naglalaro kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa veranda ng kanilang bahay..


Dumating umano ang suspek sakay umano ng isang Honda Click Motorcycle at walang sabi-sabing nagpaputok ng dalawang beses gamit ang isang pistola.

Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng backtracking at review sa mga CCTV footages sa mga lugar na posibleng dinaanan ng suspek na mabilis na nakatakas.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like