TAPE INC., MAY P800M UTANG SA GMA7 KAYA NAGSARA?

By: Beth Gelena

NAG-LAST  airing ang “Tahanang Pinakamasaya” noong March 7. Nagpaalam na ang TAPE, Inc. at pinasalamatan ang GMA-7 pati na ang kanilang televiewers.
Last March 8 naman  effective ng kanilang paglisan sa Kapuso Network na matagal ding naging tahanan ng TAPE, Inc.
Komento ng netizens: “Sana lang nabayaran lahat ng TF”
“Pati nga raw sa mga current hosts nila hindi nakakabayad ng TF.”
“Laki cguro ng mga tf na inalok sa mga host na ang nasa puso lang naman gawin e matulungan ang staff ng TAPE at magpasaya”
Tanong naman ng isang commmenter: “Ano ba talaga nangyari bakit lumaki yung utang ng TAPE? Yung 1 year delayed na sahod ng mga main host ang proof na matagal na problema yan kaya pumasok na yung mga may-ari para subukan maayos.”
“As per explanation by a TV  industry insider dati, nangyayari talaga na may months na di masyado malaki ang kinikita lahat ng tv programs because those are the months na pinag uusapan pa ng companies ang budget nila for marketing. I think nataon ang mga buwan na yun dun sa airing ng Tahanang Pinakamasaya. But it doesnt mean lugi na ang program kasi once nag place na ng ads ang companies, ok na. Malaki pa din ang earnings nila pag ikumpara ang annual gross earnings vs expenses. Not enough lang ang pumasok na ads sa TAPE during the past few months.”
“Naalala ko pa yung may pa contract signing sina Isko at Paolo, di rin pala magtatagal ang show.”
“Kaya nga, tas sinali sali pa si Paolo, di ba sila nagbabasa na ayaw nang tao kay Paolo”
“How ironic, no? TVJ and Tuviera, walang kontrata then nagdala ng ilang dekada until may gustong makialam sa noontime show. Ok lang na mag-observe pero yung biglang major yung mga changes, malaki talaga masasakripisyo at madaming magsa-suffer.”
“Marahil nalugi na ang TAPE dahil nasa P800M daw ang utang nila sa GMA.”
“Nung time pa ng TVJ yan di na nakakabayad. Ang taas ng kinita sa political ads pero milyon2 ang tine take home ng mga Jalosjos accdg to Tito Sotto. At araw2 namimigay ng pera compared sa Showtime. Malulugi talaga.”
“Ang tanong anong show ang ipapalit? Tiktoclock?”
“Kung una pa lang kasi pinaubaya nyo na yung title na Eat Bulaga sa TVJ at gumawa kayo ng ibang title baka hindi nangyari ito. NEGA na nga ang show nahawaan pa nang kanegahan ang mga hosts.”
“May pagsisisi kaya sila na hindi naging maayos ang pag-uusap nila noon with TVJ and other former hosts of EB?”
“I guess more on nagmatigas sila na gamitin ang title ng show kasi akala nila makakalusot yung ni-register nilang trademark.”
“Edi pati si Tony Tuviera na producer pa rin ng Tahanang Pinakamasaya ay affected!!! Sayang ang studio ng APT.”
Sabi naman ng isang commenter, “kung talagang sa side sya ng TVJ bakit hindi nya mabitawan ang 25% share niya? Alam naman nyang lugi at di na pinapasok ng ads pero hindi pa rin sya umaalis.”
“Baka babalik na sa APT studio ang EB”
“IDK how to feel about tony. i know he is a good person but things like that, you can never be neutral.”
“Hindi na sila babalik sa apt. May new studio na yung Eat Bulaga. Sa Meralco Theatre yata. Ginagawa na ngayon. And sinabi ni Tito Sen sa interview dati na hindi na sila nag-uusap ni Mr. T”
May punto rin naman ang sinabi ng isang concerned netizen:
“They underestimated ang pull ng TVJ sa public. Sina Jalosjos na mismo nagsabi na kelangan palitan ang old with the new, pero hindi nila inisip na TVJ are three of the remaining pillars of Philippine entertainment. Kahit mga hindi nanonood ng Eat Bulaga kilala sila. Kahit mga Gen Z kilala sila. Madami na sa mga kasabayan nila ang nawala na but they’re still here and wanting to work and entertain. Sana kinausap ng maayos ang TVJ and hindi sila tinrato ng ganun. Kung maayos ang negotiation ng mga Jalosjos and nirespeto ang TVJ, hindi sila magiging super nega sa public.”
“Too much greed and power is harmful.”
Tags: Inc., TAPE

You May Also Like