Pinalibutan si Mayor Honey Lacuna ng mga kabataan sa pamahalaan at lungsod.

TAPAT AT TOTOONG SERBISYO, SUSI SA TAMANG LANDAS NG SERBISYO PUBLIKO

By: Jerry S. Tan

“HANGGAT tayong lahat ay nagbibigay ng tapat at totoong paglilingkod, hindi tayo maliligaw ng landas sa pagseserbisyo-publiko.”

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna nang bigyan ng parangal ang sampung outstanding Sangguniang Kabataan (SK) officials kada distrito sa ginanap sa flagraising ceremony sa City Hall nitong Lunes ng umaga.

Sa kanyang mensahe, binati at pinasalamatan ni Lacuna ang mga awardees sa iba’t-ibang kategorya at sinabi nito na mula’t sapul ay itinuturing ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga kabataan bilang kinabukasan at pag-asa ng bayan.


“Saludo ako sa inyo na sa murang edad ay marami kayong naiaambag para sa ikabubuti ng ating lungsod. Galingan nyo pa dahil kayo ang inaasahan ng inyong mga kapwa ninyong kabataan,” ani Lacuna.

Kaugnay niyan ay pinapurihan at pinasalamatan ng alkalde ang mga opisyal at kawani ng Youth Development Bureau ng lungsod sa kanilang ginagawang tuloy-tuloy na paggabay sa mga kabataan.


“Congratulations po sa inyo sa paggabay sa ating mga kabataan na piliin ang tamang landas nang sa gayun po nilang mapagbuti ang kanilang mga gawain sa araw-araw,” pahayag ni Lacuna.

Samantala, hinikayat din ni Lacuna ang lahat ng kawani ng pamahalaang-lungsod na maging masaya sa kanilang trabaho at gamitin ang prinsipyo ng “tapat at totoo” na uri ng paglilingkod sa Maynila.


“Kapag tayo po ay nagbibigay ng tapat at totong paglilingkod, tama po ang landas na tinatahak natin kaya pag-igihan pa po natin ang trabaho. Kung mahal natin ang ating ginagawa, di ito trabaho kaya i-enjoy lang po natin nang sa gayon ay maramdaman din ng mga binibigyan natin ng serbisyo,” dagdag pa ni Lacuna.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read