Taong Simbahan, pinatatakbo sa BSKE election

By: Carl Angelo

Hinimok ni Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang mga “servant leader” ng pamayanan na maghain ng kandidatura sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ng Obispo na mahalagang maipamalas ang pagiging servant leader sa tinaguriang pinakamaliit na unit ng lipunan para maging daan sa pagbabago ng buong pamayanan.


“Calling on Catholic patriots in our communities to run for servant-leadership in the Barangay level. We pray and encourage servant-leaders in the BECs to file their candidacy for governance and service in the Barangay level,” ani Bishop Dimoc.

Sinabi ng Obispo na ang BSKE ay isang mahalagang tungkulin at malaking responsibilidad na gagampanan ng mga maihalal na lider na inaasahang mangunguna sa pagsusulong ng pag-unlad sa komunidad.

“The Barangay and SK election is not about stupid family political ambition and social standing but collective responsibility for good governance and for public good, as contained in the Civil Law of our Government and in the Social Teachings of our Catholic Church,” dagdag ng Obispo.


Nabatid na ang paghahain ng kandidatura ay magsisimula sa Agosto 28 na magtatapos sa Setyembre 2.

Habang itinakda naman ng Commission on Election (Comelec) sa Oktubre 19 hanggang 28 ang panahon ng kampanya,dalawang araw bago ang aktuwal na halalan sa Oktubre 30.


Tags: Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc

You May Also Like

Most Read