TANSINGCO, NAGPALIWANAG SA ‘DI UMANO AWTORISADONG PAGLIPAD NG PRIVATE JET SA NAIA

NAGPALIWANAG si Immigration Commissioner Norman Tansingco matapos makatanggap ng ulat ukol sa paglipad diumano kagabi ng isang private jet sa NAIA Terminal 1 na sinasabing ‘unauthorized departure’.

Ayon kay Tansingco, base sa kanilang imbestigasyon, ang naturang chartered flight ay may sakay na sampu kung saan ang tatlo dito ay mga crew.


Ipinaliwanag ng opisyal na ang chartered flights ay nasa category ng special flights, kung saan ang mga pasahero ay hindi na dumadaan sa immigration area.

Sa halip , sila ay pino-proseso at ini-inspeksyon ng immigration officer sa may eroplano na mismo.

Idinagdag ni Tansingco na lahat ng sakay ng nasabing flight ay dumaan sa derogatory checks at sumunod naman sila sa immigration formalities. (JERRY S. TAN)


Tags: Immigration Commissioner Norman Tansingco

You May Also Like

Latest News