Tangkang suicide ng kasambahay, napigilan

Napigilan ang tangkang pagpapatiwakal ng isang 22-anyos na kasambahay, matapos nitong magtangkang tumalon mula sa Ika- anim na palapag ng gusali sa Alvarado Street, Binondo,Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Station 11, nakilala ang biktima na alyas ‘Tess’, na namamasukan sa nabanggit na address.

Alas- 8 ng umaga nang makita umano ng Isang concerned citizen si ‘Tess’ na nakaupo sa rain gutter sa Ika-6 na palapag ng gusali ,kaya’t kaagad itong ipinagbigay- alam sa pulisya.


Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at dito na inabot ang biktima
na akmang tatalon.

Agad na kumilos ang mga pulis kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at kinumbinsi ang biktima na huwag ituloy ang kanyang balak at kalaunan ay nagpa- rescue na ito sa mga awtoridad.


Alas-9:10 ng umaga nang matagumpay na nadakma at nasagip ang biktima na pagkatapos ibaba ay dinala sa pagamutan upang mapasuri. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-Station 11

You May Also Like

Most Read