Latest News

TANGKANG PAGTALON SA BINTANA NG HOTEL NG BABAE, NAPIGILAN NG MGA PULIS

By: Baby Cuevas

Nagawang mapigilan ng mga tauhan ng Manila Police District -Barbosa Police Station , ang isang babae na nagtangkang tumalon sa bintana ng isang hotel matapos na makipag-away sa kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Napag-alaman sa Barbosa Police Station na naganap ang insidente alas- 9:56 ng umaga sa Winter Hotel sa Hidalgo. Street, Quiapo.


Kasalukuiyang nag-iikot ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) nang makita ang babaeng si Grace, ng Upper Bicutan, Taguig City, na .nasa bintana ng hotel at nagtatangkang tumalon, kaya’t nagpatulong ang mga taong naroon sa nakasasakop na police station.

Agad na rumesponde sina Barbosa station commander P/Lt. Colonel Romeo Estabillo kasama ang Palanca PCP Commander, Mendiola PCP Commander at mga tauhan nila.

Diumano, nagcheck-in ang biktima at live-in partner nito sa nasabinghotel alas- 5:33 ng umaga.


Nag-away umano ang biktima at kinakasamang si ‘Neil’ hanggang sa magtungo sa bintana ang babae, kung saan siya nakita na siya na akmang tatalon.

Nagawang makumbinsi ni Estabillo ang babae na huwag nang tumalon at naisalba ito.


Tags: Manila Police District - Barbosa Police Station

You May Also Like