Latest News

Tanggal facemask, malabo pa — Vergeire

Wala pang balak si Health Officer- In -Charge Maria Rosario Vergeire na ipatigil ang.pagsusuot ng facemask.

Sinabi ni Vergeire sa isang media forum na dapat na mag- ‘stabilize” muna ang mga kaso ng COVID-19 bago ipatanggal ang facemask.

“Kailangan po nakita natin stable na po ‘yung mga kaso dito sa ating bansa. When we say stable, nakikita natin acceptable na po ‘yung mga bilang ng mga kaso sa atin,” ani Vergeire


Wala pa umano sa endemic stage ang COVID-19 sa bansa.

“When we talk about endemic stage, ang ibig sabihin niyan, ang mga kaso ay stable na at pangalawa, mataas ang immunity ng population,” ayon pa kay Vergeire.


Samantala, sinabi Vergeite na sa kabila na ang COVID-19 sa bansa ay nagii-stabilize at nanatiling mababa ang kritikal at malalang kaso ,hindi pa rin naabot ng gobyerno ang target sa pagbabakuna.

“And there is evidence na nagpapakita na mukhang bumababa na ‘yung immunity ng ating populasyon. So kailangan ‘yung safeguards natin, nandyan pa rin hanggang makita natin na mataas na ‘yung immunity ng population,” dagdag ni Vergeire.


Gayundin,sinabi ni Vergere na may malaking implikasyon ang nilagdaan na executive order ni Cebu City Mayor Michael Rama na non-obligatory sa kanilang lalawigan ang pagsusuot ng facemask.

“Kung ang local government po ang magpapatupad at magsasabi volumtary na lang, baka po talagang very risky because other constituents might follow at magkaroon ng mas mataas na risk of infection diyan sa kanilang lugar,” giit ni Vergeire.

Dapat umanong sumunod ang mga local government units(LGUs) sa mandati ng national government. (Anthony Quindoy)

Tags: Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read