TAKOT NG MGA TAGA- BULACAN, NAPAWI NA, RUBBER GATE NG ANGAT DAM, NAPALITAN NA

By: Victor Baldemor Ruiz

Sa wakas ay nabura na ang takot sa isipan ng libo- libong residente ng Bulacan malapit sa Angat Dam at mga kalapit-bayan, nang ipahayag ng National Irrigation Administration na matagumpay nilang napalitan ang kinatatakutang defective rubber gate ng dam na maaaring magdala ng delubyo sa lalawigan.

Ayon sa NIA , naikabit na nila ang bagong Rubber Gate No. 5 sa Angat Afterbay Regulator Dam na mas kilala bilang Bustos Dam, isang river type of dam na nasa Barangay Tibagan, Bustos, Bulacan .


Pinangunahan ni NIA OIC Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector at kasalukuyang NIA Region III Manager Engr. Josephine B. Salazar ang pagpapalit sa lumang gate kasunod ng ginawang “inflation and leak testing” para matiyak ang integrity ng newly-installed rubber gate.

Tiniyak ng NIA na walang gastos ang pamahalaan sa nasabing pagpapalit ng gate na matagal nang inirereklamo ng mga natatakot na residente dahil depektibo umano ang inilagay ng Chinese contractor.

“ITP Construction, Inc. – Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co., Ltd. Consortium (Contractor) replaced the defective rubber gate without any cost to NIA. The five other rubber gates were further inspected to secure its structural integrity,” ayon sa pamunuan ng patubigan.


Sinasabing matapos na ma-report ang damage sa Rubber Gate No. 5 nuong 2020, ay nagsagawa na ng serye ng pagkilos ang NIA sa pakikipag-ugnayan sa Local Government Unit, Provincial Government of Bulacan at sa kanilang Irrigators Association (IA) para matugunan ang mga posibleng kakaharaping problema bunsod ng depektibong rubber gate.

Tinitiyak din ng ahensiya na tuloy-tuloy ang patubig sa mga bukirin at hindi maging sagwil sa pagtatanim ng mga magsasaka sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga.


Napag-alaman na ang Bustos Dam (Angat Afterbay Regulator Dam) na itinayo noong 1926 ay isang concrete weir type na inayos nuong 1967 sa pamamagitan ng paglalagay ng steel sector gates at dinagdagan pa ang taas nito. Taong 1997 nang sinimulan ang rehabilitation nito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga rubber gates kapalit ng mga lumang steel gates gamit ang ipinagkaloob na pinansyal na tulong ng Japan.

“To ensure unhampered delivery of irrigation supply, continuous rehabilitation of the Bustos Dam is being done with the replacement of rubber gates in seven pier measuring 79 meters each laid above a concrete ogee dam measuring at 76.9 meter each pier. The project serves 23,708 farmer-beneficiaries and irrigates 31,485 hectares of agricultural land covered by 16 municipalities of Bulacan and four municipalities of Pampanga”.


“Guided by President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s marching order for Food Security, the NIA headed by Acting Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen, ensures the safety and security of the people around its irrigation projects as an aid for flood mitigation and domestic water supply,” pahayag pa ng NIA.

Tags: National Irrigation Administration

You May Also Like

Latest News