Latest News

Ang Taiwanese at drogang nakumpiska sa kanya.

Taiwanese, arestado sa NAIAl 3 dahil sa iligal na droga

By: Jerry S. Tan

Arestado ang isang pasaherong Taiwanese national sa Ninoy Aquino international Airport terminal 3 matapos makuhanan ng illegal na droga.

Sa inisyal na report ng NAIA-PDEA, natuklasan ng Office for Transportation Security (OTS) personnel ang illegal na droga sa final security checkpoint nang kapkapan ang dayuhan habang papasok sa boarding gate.

Napag-alaman na papaalis ang nasabing pasaherong si Chen Yinjyun sakay ng Cebu Pacific flight 5J-553 patungong Cebu nang makuha ang 9.3 grams ng ketamine na nakatago sa kanyang katawan.


Kasama sa mga na-recover mula sa dayuhan ang apat na cellphone, mga IDs 300 foreign currency at P25,000 cash.

Sumailalim pa sa imbestigasyon ang nasabing dayuhan bago siya dinala sa main office ng PDEA sa Quezon City.


Tags: Office for Transportation Security (OTS)

You May Also Like

Most Read